Naku nagising ako kaninang umaga, aba nagtataka ako at napakatahimik, nung malapit na ko sa hagdan kaya naman pala eh sumsamba si Bossing sa altar nila, tsekwa as in intsik si Bossing at Buddhist. Mataimtim syang nagdadasal , nanalangin (nanghihingi ng pera kay Buddha ehehe). So ako dahan dahan na kong bumaba, saan? sa hagdan siempre, dumiretso na ko sa kusina para i settle ang mga gamit ko especially my laptop.
So dito sa kusina very very quiet rin, pati yun maga alaga naming aso,so in short trbahao muna pagtapos na ko then magonline na ko. Si Bossing bumaba na nagtirik na ng mga incense sa 3 altar sa bahay including sa kusina.
Walang ano ano biglang parang may kulog at kidlat, si Bossing na mataimtim na sumsamba kay Buddha kanina, aba eh nagmumura na, me pinagagalitan, yung anak nya, d namin maintindihan kasi intsik ang salita, so kami tahimik na, naku bumalik na naman sa kusina, tinawag ang anak, masakit pala ang tiyan, papainumin nya ng gamot,
Tarantado talaga to ang tawag ko dito satan, sigaw ng sigaw,kunwari sa anak pero sa amin galit, kumuha siya ng baso naku tiningnan kami para kaming kakainin, quiet lang ako, eh sino ba ang nahihigh blood eh sya din :D at saka wala naman nagsabi sa kaniya na siya ang gumawa, nandito naman kami pwede nyan utusan, pero dadaanin nya sa galit, tapos siya din ang gagawa, eh sinong ang tanga, sino ang lugi, pabor sa min yon kasi ala kaming trabaho.
Nagtataka lang ako, bakit ganun? kasasamba nya lang sa Buddha nila, ilang minuto lang parang may satanas na sa loob ng body nya. Iniisip ko ano kaya ang dinadasal nya kay BUddha? Si Buddha kaya ang nasa altar nya? Bakit ganun?
Kung minsan naisip ko buti na lang babae ako , kung naging lalaki ako hanngang hukay sa impyerno ko to ibabaon... Grrrrrrrrrrrrrrr

G
usto kong umiyak, nagsisikip ang dibdib ko, ngunit ang luha ayaw pumatak, nandito lang sa paligid ng mata ko, at pakiramdam ko parang puputok ang puso ko sa dalamhati na nararamdaman ko. Hindi kita masisi, dahil ako lang lahat ang nagbuo ng mga "akala" sa sarili ko,nilunod ko ang sarili ko sa pangangarap , kaya umasa ako na dumating na ang oras upang tayo ay magkasama. Akala ko ako pa rin ang iyong hinihintay ... at kahit ngayon kahit sabihin kong tinatanggap ko , sa puso ko alam kong iyon ay hindi tottoo, gusto kung sumigaw, gusto kong tawagin ka, gusto kong sa harap ko sabihin mo na wala na ang pagmamahal mo sa akin ngunit malayo ka sa akin, may distansya sa pagitan nating dalawa, Narito ako nagiisip kung sana ay naalala mo ako, maalala mo ang dati nating pagmamahalan, ang mga ginawa natin para lamang tayo magkita,ngunit binago na siguro ng panahon damdamin mo, akala ko kahit kailan hindi ako nawawala sa pagiisip mo, akala ko na kung ako ang unang maghahanap at makatagpo sa iyo ay hahanapin mo rin ako, akala ko pag nangyari yon, ay di mo na ako pababayaang mawala pa,akala ko ay magkakasama na tayo hanggang sa ating pagtanda. Ngunit nasaan ka?... naiisip mo pa ba ako?...Katulad ba kita na kumikirot ang puso sa pagiisip at sa pangungulila? Kung alam mo lang na naghihintay lang ako na sabihin mong"halika na mahal ko umuwi ka na, maghinhintay ako, oras na para tayo magkasama" Sa imahinasyon lang pala mangyayari ang lahat lahat...At ang panaginip ko na hindi mag abot ang ating mga kamay hanggang tuluyan kang naglaho ay nagkaroon ng kahulugan.. matatangap ko ba na hindi tayo karapat dapat sa isat isa?, kung hanggang ngayon ay ikaw pa rin ang nasa puso at isipan ko.
Malayo at mataas na ang iyong narating aking mahal, sa iyong pamumuno umaasa ang ating bayan... Sila ang pinili mo, isinusi mo ang pag-ibig na kahit kelan hindi mo na bubuksan, hindi ko matatanggap na hindi tayo sa isat isa... sa huling pagkakataon pinagtagpo tayo.. sa huling pagkakataon akala ko ay may damdamin ka pa rin sa akin.. sa huling panahon... maiiwanan ako ng isang damdamin na hindi ko makakalimutan sa buong buhay ko at iyon ay ang una kong pagibig... iyon ay IKAW