Wednesday, April 27, 2011

Kayabangan!!!

Nung maliit ako, matigas ang ulo ko, lagi akong nasa karsada at naglalaro, palagi akong pinagagalitan ng lelang ko, kung pwede nga lang itali nya ako sa poste ng bahay para d ako makalabas e ginawa nya. Ang layo minsan ng nararating ko sa paglalaro, ng goma, ng trumpo, ng holen, at ang pinakapaborito ko nuon ay yun text, mula sa San Roque, nakakarating ako ng Calumpang sa paglalaro, at uuwi akong tumatakbo dala dala ang isang kahon ng sapatos na puno ng napanalunan ko habang ang mga kalaro ko eh humabol din sa akin hanggang bahay para humingi ng balato. Kaya eto ng Lelang ko galit, inagaw sa kin ang kahon at inihulog ang text ko sa dala nyang kaldero na may tubig umiyak ako habang ang mga kalaro ko eh sabi "lelang sayang naman amin na po lamang" Ilalaga raw nya at ipapakain sa amin aaayyyy maniwala kayo ganun sya magalit!!! So kami tahimik na kaming naghiwahiwalay, ako naman hihikbihikbi. at next nun sermon hangang orasyon.tapos hahalikan nya na ako at yayakapin.

Eto pang isang kayabangan ko nun, natandaan ko suot ko yun bagong kong damit, strife na sleeveless and yellow leggings, very bright talaga ang kulay, in short pagkaligo ko eh nag fashion - fashion ako sa mga kalaro ko, nagpapansin ika nga, so sunod sila sa akin, naglakad kami papunta ng tindahan ni Aling Etra, sa gilid nun me malaking kanal, so kailingan sa tabi kami dadaan para makapunta sa bintana ng tindahan, ako si yabang eh nagyabang nilundag ko ang kanal..... i guest nyo kung saan ako naglanding, obvious ba? sa gitna ng kanal, pag ahon ko naging black beauty all over ako, iyak ako, tinawag ng kalaro ko ang lelang ko , at ayun hinatak ako pauwi at naggoli uli ng d oras, as usual, nasermonanan na naman. pero tapos me halik at yakap uli ako.

Pero me isa kayabangan ang hindi ko malilimutan na nagbigay ng malaking pagbabago sa akin sa mura kong pagiisip. Kagaya rin ng dati, laro at laro lang ang nasa isip ko, tuwang tuwa ako pag biernes na ibig sabihin walang skool, at 2 araw akong maglalaro, yun araw na yon sabado, doon lang kami sa bungad ng bahay ng may ari ng inuupahan namin, maingay kami kaya ang pinto nila eh laging sarado pati ng ang gate nilang bakal, d naman sila nagagalit, pinbabayaan nila kami.

Natatandaan ko naglalaro kami ng sipa (gawa sa plastic at tingga) pumasok sa loob na bakuran ng may-ari ang sipa namin, mahirap kunin, so eto na si Supergirl yabang to the rescue inakyat ko ang bakal na bakod, dahan dahan naakyat ko, bumaba ako ng paharap , nadulas ako ng konti, at nasabit ang likuran ng damit ko sa bakal, hindi na ako makababa, para akong damit sa sampayan, nagsisigawan ang kalaro ko, nadidnig ng lelang ko , nagmamadali syang dahil may kutob na sya na ako na naman yon, at di nga sya nagkamali, tinawag nya ang may ari ng bahay para buksan ang gate at para makuha nya ako...putlang putla ang mukha ng lelang ko ng kinuha nya ako, niyakap nya ako ng mahigpit at saka sya umiyak, karga karga nya ako, at ng makita ko ang bakal doon ko naintindihan kung bakit sya umiyak, dahil naisip ko paano kung talagang napasama ang dulas ko at natuhog ako sa bakal, masakit yon, o di kaya ay maari akong mamatay. Kaya humigpit rin ang yakap ko sa lola ko at itinago ko ang mukha ko sa balikat nya sa takot. At damdam na damdam ko ang pagmamahal at paghahalaga ng lola ko sa akin.

Mula noon, nagbago na ako, di na matigas ang ulo ko, naglalaro pa ri ako, pero sinusunod ko ang sinasabi sa akin ng lelang ko. Pag naalala ko ang kayabangan ko na yon, natatakot ako. Leksyon talaga sa akin kung hindi nagyari yon siguro hindi na ako umabot sa edad ko ngayon.

O anong tinatanong nyo dyan? Ilan ng edad ko kanyo?

aaayyyy SECRET ano :D...