Wednesday, April 27, 2011

Kayabangan!!!

Nung maliit ako, matigas ang ulo ko, lagi akong nasa karsada at naglalaro, palagi akong pinagagalitan ng lelang ko, kung pwede nga lang itali nya ako sa poste ng bahay para d ako makalabas e ginawa nya. Ang layo minsan ng nararating ko sa paglalaro, ng goma, ng trumpo, ng holen, at ang pinakapaborito ko nuon ay yun text, mula sa San Roque, nakakarating ako ng Calumpang sa paglalaro, at uuwi akong tumatakbo dala dala ang isang kahon ng sapatos na puno ng napanalunan ko habang ang mga kalaro ko eh humabol din sa akin hanggang bahay para humingi ng balato. Kaya eto ng Lelang ko galit, inagaw sa kin ang kahon at inihulog ang text ko sa dala nyang kaldero na may tubig umiyak ako habang ang mga kalaro ko eh sabi "lelang sayang naman amin na po lamang" Ilalaga raw nya at ipapakain sa amin aaayyyy maniwala kayo ganun sya magalit!!! So kami tahimik na kaming naghiwahiwalay, ako naman hihikbihikbi. at next nun sermon hangang orasyon.tapos hahalikan nya na ako at yayakapin.

Eto pang isang kayabangan ko nun, natandaan ko suot ko yun bagong kong damit, strife na sleeveless and yellow leggings, very bright talaga ang kulay, in short pagkaligo ko eh nag fashion - fashion ako sa mga kalaro ko, nagpapansin ika nga, so sunod sila sa akin, naglakad kami papunta ng tindahan ni Aling Etra, sa gilid nun me malaking kanal, so kailingan sa tabi kami dadaan para makapunta sa bintana ng tindahan, ako si yabang eh nagyabang nilundag ko ang kanal..... i guest nyo kung saan ako naglanding, obvious ba? sa gitna ng kanal, pag ahon ko naging black beauty all over ako, iyak ako, tinawag ng kalaro ko ang lelang ko , at ayun hinatak ako pauwi at naggoli uli ng d oras, as usual, nasermonanan na naman. pero tapos me halik at yakap uli ako.

Pero me isa kayabangan ang hindi ko malilimutan na nagbigay ng malaking pagbabago sa akin sa mura kong pagiisip. Kagaya rin ng dati, laro at laro lang ang nasa isip ko, tuwang tuwa ako pag biernes na ibig sabihin walang skool, at 2 araw akong maglalaro, yun araw na yon sabado, doon lang kami sa bungad ng bahay ng may ari ng inuupahan namin, maingay kami kaya ang pinto nila eh laging sarado pati ng ang gate nilang bakal, d naman sila nagagalit, pinbabayaan nila kami.

Natatandaan ko naglalaro kami ng sipa (gawa sa plastic at tingga) pumasok sa loob na bakuran ng may-ari ang sipa namin, mahirap kunin, so eto na si Supergirl yabang to the rescue inakyat ko ang bakal na bakod, dahan dahan naakyat ko, bumaba ako ng paharap , nadulas ako ng konti, at nasabit ang likuran ng damit ko sa bakal, hindi na ako makababa, para akong damit sa sampayan, nagsisigawan ang kalaro ko, nadidnig ng lelang ko , nagmamadali syang dahil may kutob na sya na ako na naman yon, at di nga sya nagkamali, tinawag nya ang may ari ng bahay para buksan ang gate at para makuha nya ako...putlang putla ang mukha ng lelang ko ng kinuha nya ako, niyakap nya ako ng mahigpit at saka sya umiyak, karga karga nya ako, at ng makita ko ang bakal doon ko naintindihan kung bakit sya umiyak, dahil naisip ko paano kung talagang napasama ang dulas ko at natuhog ako sa bakal, masakit yon, o di kaya ay maari akong mamatay. Kaya humigpit rin ang yakap ko sa lola ko at itinago ko ang mukha ko sa balikat nya sa takot. At damdam na damdam ko ang pagmamahal at paghahalaga ng lola ko sa akin.

Mula noon, nagbago na ako, di na matigas ang ulo ko, naglalaro pa ri ako, pero sinusunod ko ang sinasabi sa akin ng lelang ko. Pag naalala ko ang kayabangan ko na yon, natatakot ako. Leksyon talaga sa akin kung hindi nagyari yon siguro hindi na ako umabot sa edad ko ngayon.

O anong tinatanong nyo dyan? Ilan ng edad ko kanyo?

aaayyyy SECRET ano :D...




Saturday, November 6, 2010

nagdarasal daw.. Satan!!!

Naku nagising ako kaninang umaga, aba nagtataka ako at napakatahimik, nung malapit na ko sa hagdan kaya naman pala eh sumsamba si Bossing sa altar nila, tsekwa as in intsik si Bossing at Buddhist. Mataimtim syang nagdadasal , nanalangin (nanghihingi ng pera kay Buddha ehehe). So ako dahan dahan na kong bumaba, saan? sa hagdan siempre, dumiretso na ko sa kusina para i settle ang mga gamit ko especially my laptop.

So dito sa kusina very very quiet rin, pati yun maga alaga naming aso,so in short trbahao muna pagtapos na ko then magonline na ko. Si Bossing bumaba na nagtirik na ng mga incense sa 3 altar sa bahay including sa kusina.

Walang ano ano biglang parang may kulog at kidlat, si Bossing na mataimtim na sumsamba kay Buddha kanina, aba eh nagmumura na, me pinagagalitan, yung anak nya, d namin maintindihan kasi intsik ang salita, so kami tahimik na, naku bumalik na naman sa kusina, tinawag ang anak, masakit pala ang tiyan, papainumin nya ng gamot,

Tarantado talaga to ang tawag ko dito satan, sigaw ng sigaw,kunwari sa anak pero sa amin galit, kumuha siya ng baso naku tiningnan kami para kaming kakainin, quiet lang ako, eh sino ba ang nahihigh blood eh sya din :D at saka wala naman nagsabi sa kaniya na siya ang gumawa, nandito naman kami pwede nyan utusan, pero dadaanin nya sa galit, tapos siya din ang gagawa, eh sinong ang tanga, sino ang lugi, pabor sa min yon kasi ala kaming trabaho.

Nagtataka lang ako, bakit ganun? kasasamba nya lang sa Buddha nila, ilang minuto lang parang may satanas na sa loob ng body nya. Iniisip ko ano kaya ang dinadasal nya kay BUddha? Si Buddha kaya ang nasa altar nya? Bakit ganun?

Kung minsan naisip ko buti na lang babae ako , kung naging lalaki ako hanngang hukay sa impyerno ko to ibabaon... Grrrrrrrrrrrrrrr

Thursday, November 4, 2010

Akala ko....


Gusto kong umiyak, nagsisikip ang dibdib ko, ngunit ang luha ayaw pumatak, nandito lang sa paligid ng mata ko, at pakiramdam ko parang puputok ang puso ko sa dalamhati na nararamdaman ko. Hindi kita masisi, dahil ako lang lahat ang nagbuo ng mga "akala" sa sarili ko,nilunod ko ang sarili ko sa pangangarap , kaya umasa ako na dumating na ang oras upang tayo ay magkasama. Akala ko ako pa rin ang iyong hinihintay ... at kahit ngayon kahit sabihin kong tinatanggap ko , sa puso ko alam kong iyon ay hindi tottoo, gusto kung sumigaw, gusto kong tawagin ka, gusto kong sa harap ko sabihin mo na wala na ang pagmamahal mo sa akin ngunit malayo ka sa akin, may distansya sa pagitan nating dalawa, Narito ako nagiisip kung sana ay naalala mo ako, maalala mo ang dati nating pagmamahalan, ang mga ginawa natin para lamang tayo magkita,ngunit binago na siguro ng panahon damdamin mo, akala ko kahit kailan hindi ako nawawala sa pagiisip mo, akala ko na kung ako ang unang maghahanap at makatagpo sa iyo ay hahanapin mo rin ako, akala ko pag nangyari yon, ay di mo na ako pababayaang mawala pa,akala ko ay magkakasama na tayo hanggang sa ating pagtanda. Ngunit nasaan ka?... naiisip mo pa ba ako?...Katulad ba kita na kumikirot ang puso sa pagiisip at sa pangungulila? Kung alam mo lang na naghihintay lang ako na sabihin mong"halika na mahal ko umuwi ka na, maghinhintay ako, oras na para tayo magkasama" Sa imahinasyon lang pala mangyayari ang lahat lahat...At ang panaginip ko na hindi mag abot ang ating mga kamay hanggang tuluyan kang naglaho ay nagkaroon ng kahulugan.. matatangap ko ba na hindi tayo karapat dapat sa isat isa?, kung hanggang ngayon ay ikaw pa rin ang nasa puso at isipan ko.

Malayo at mataas na ang iyong narating aking mahal, sa iyong pamumuno umaasa ang ating bayan... Sila ang pinili mo, isinusi mo ang pag-ibig na kahit kelan hindi mo na bubuksan, hindi ko matatanggap na hindi tayo sa isat isa... sa huling pagkakataon pinagtagpo tayo.. sa huling pagkakataon akala ko ay may damdamin ka pa rin sa akin.. sa huling panahon... maiiwanan ako ng isang damdamin na hindi ko makakalimutan sa buong buhay ko at iyon ay ang una kong pagibig... iyon ay IKAW

Monday, May 10, 2010

ooii mga kababayan ko kita ba nyo ko?

Alas 10:19 ng gabi araw ng biyernes, inaantok na ko medyo pagod ako kasi nagGYm ako kanina for 1 hour. Boring ang FB kaya sign out na lang ako at nagusyoso dito. ?For 1 year i abandoned my profile 2 pa lang and story ko, pero parang hihimatayin ako (lol)dahil wala talagang nagkamaling naligaw sa lugar ko? kung baga sa pagkain e inamag ako , kung baga sa halaman wala man lang nagdilig kaya naluyang na lahat at na dead na.

hello, pls lang i feel like an alien , hello di naman ako pangit.. jaz look at my pic sa mata pa lang kitang kita na me itsura naman ako aaayyyyy hahahah, hindi ok lang ako hindi pangit hindi maganda pero okay lang :D. Kaya pag naligaw kayo dito cgurado ko na hindi kayo tatakbo. Pero nandyan ba kayo? parang wala eh, parang walang tao, buti pa ang sementeryo me dumadalaw sa akin walang wala talaga.

hindi ko na pahahabain ang putok ng butse ko... wala ding mangyayari ...do ko din kayo mapipilit kung ayaw nyo eh hidi naman to pilitan di ba, and i understand.

but isang beses pa akong mag HE HELLOOOOOO MGA KABABAYAN KITA BA NYO KO? sagot naman kayo oh :(

Monday, March 9, 2009

me tao ba dito ? :D



ha ha natatawa ko ngayong gabi, kasi tsinitsek ko kung may nagbabasa ng boring kong kwento, doon di ba my number don para malaman kung ilan ang viewers ng blog natin, so nagexperiment ako, i went out and then in again in my blog naku umandar yong number ha ha ha that means ngayong gabi na to sarili ko ang nagview ng blog ko, so kung 10 beses akong mag go in out plus 10 din ang total don sa number, nakakatawa, para pala akong nasa ibang planeta, nandyan ba kayo?, pakibasa naman yong blog ko, eh napapanis na, kahit yata langaw eh hindi na dadapo ha ha ha, iwan lang po kayo ng comment para alam ko na me humihinga pa dyan sa kabila....

salamat po...

Sunday, March 1, 2009

Palda o 2 Piece?? and my Brokenheart






Heto ko ngayon nakaharap sa salamin, maraming iniisip, hindi ko na alam kung ano, basta naiinis ako!! Oh baka sabihin nyo naloloka na ko, pero parang ganon na nga , Para pa lang , ano! Alam nyo kung bakit? my namimiss akong guy bigla kasi syang tumahimik.

Ganito yon...na meet ko ang guy na to sa net din, ang guapo guapo nga mga pictures nya, pang model at pang hollywood ang dating, yun bang pag nakita amo mapapa "aaayyyy ang cute nya" ganyan. He was full of excitement when he met me, yon ang pakiramdam ko, kasi alam nya kung anong oras ako online. Pag online nako igigreeet nya kong ng ganito "Bojour mabelle" meaning hello my beautiful friend, see he call me beautiful. Malayo sya, pag gabi dito, araw sa kanila, but it doesn't matter, 3 to 4 hours kami kung mag-chat hanggang sumurender sya kasi iaantok na sya. So in short, sa akin eh we have a thing going on na, So i tried my best to maintain that feeling para di na sya makaescape.

Pero alam nyo there's something i want to confess when i check his page,his orientaion is "BI" meaning he is a guy and a gay :( so Ganito yon.. isang araw siguro naramdaman nya na i want more than friendship, biananatan nya ko ng ganito...

"I want you to know that you hold a special part of my heart,and i will never never hurt your feelings. You're stucked with me." So ano pang iisipin nyo, kilig na kilig na ko, alam ko magpopropose nasya sa kin, lumulundag na ang puso ko pero tapos... tapos....tapos hu hu hu ...baligtad ang lahat, parang balding bumaligtad, tapos natapon ang tubig, hu hu hu sinabi nya na happy day sya kung ano sya ( ano pa di yong pagkabakla nya) and he will not change anything. aray ko po!!! Eto po a naka ka shock...sabi naya may bofriend sya.. what?, ay na ko hindi malabo ang mata nyo, tama ang nabasa nyo MAY BOYFRIEND SYA... B-O-Y-F-R-I-E-N-D!! at Frecnh daw. :(

So, ganito yon, .. ha? Anong ginawa ko, E di poise pa rin ako, kahit umiiyak na ko, di naman nya ko nakikita ano..sabi ko sa kanya :

"it's okay with me, there's nothing wrong with that,anyway we are just friends it's okay if you are gay"


Pero kayong bumabasa nito, huwag kayong maniwala sa akin! hindi ako okay :( Yong balding bumaligtad , binaligtad ko uli para saluhin ang mga tears ko, then after all of this he started to create a distance between us, nandon sya, pero as if i dont exist na, yon ang masakit sa kin, parang hinihintay nalang nya na i delete ko sya sa page ko. So ganito pa yon i wrote a blog about missing a friend and somehow nabasa nya, at he commented on it he said he was sorry, but he is always around , always around daw, eh hindi nya na ko kinakausap, hindi sya nagrereply sa mga" i miss you comment ko" ouchhhh talaga nagiging parang taga bundok na sya, di na yata marunong bumasa

Ano ba ang nangyayari sa mundo, bakit pati yata mundo ng pag-ibig ko eh nauunsyame :( AT bakit lahat yata ng guapong lalaki sa net eh bakla na yata. O siguro malas lang talaga ko, natapat ako sa bakla ano.

Pero bakit ganon? madami ngang babae sa mundo, nadadagdagan pa ng lalaki na gusto ring magsuot ng palda at ekembot ang pwet, aiyooo!!!

Nakuuu... nakakainis talaga, inis na inis talaga ko.

So yung mga babae dyan, i check nyo munang mabuti ang profile nga guy sa net , for all you know mamaya matapat kayo sa bakla.

So ikaw kung di ka sigurado kung ano ka, pls huwag kang magpapakilala sa kin hindi ako magpapahiram sa yo ng palda kasi hindi tayo magkatalo.

hmmm.... two piece siguro, gusto mo?
:D